Tagalog Naman Tayo…

13 07 2008

Lunes na naman bukas. Ibig sabihin luluwas na naman ako ng Manila. Pag luluwas ako, ibig sabihin nu’n maaga na naman kasi tanghaliin ka lang ng konti o abutan ng rush hour – patay! Pahirapan sa pagsakay. Para kang sardinas sa latang di pa nabubuksan. 

Alam ko na naman ang scenario kada Lunes. Kaya madalas Linggo palang ng hapon on gabi lumuluwas na ako. Hindi naman ‘yung ang reklamo ko.

Luluwas ako kasi magtatrabaho na naman ulit.

Hindi naman sa ayaw ko ‘yung trabaho ko. Well, ako ayos naman. Hindi nga lang pa rin maintindihan ng karamihan ‘yung ginagawa ko. Para kasi sa “karamihan” pag nagtatrabaho ka dapat 8am-5pm, nakaapustura at yumayaman. 9am to 6pm naman kami kaso minsan extended pati weekends, no OT pay. Dati ok lang sa akin, ngayon…. Hmmm… sabihin na lang natin na pagod na ako at sawa na sa pagiging mabait… or rather, tawag ng “karamihan” sa amin – TANGA.

Simple lang naman e. Gusto ko ‘yung ginagawa ko. Well, basta naman gusto mo madaling simulan, gawin o ituloy.

Basta kung gusto mo.

Kaso lately, nakakawala ng gana. Sawa na ba ako? I don’t think so naman. Sabi baka daw kasi parang pagkain ‘yung scenario, puro pansit bihon na lang. What if mag-miki naman daw ako o canton. Hellow?!? Pansit pa rin! Ewan!

After 3 (official) years, makakapagbakasyon na ang grupo. Kung tutuusin, 5 taon na pala mula ng sinimulan ng boss mula pa nung soloista pa s’ya. Masasara ang tindahan ng 2 araw, pero 4 na araw kaming mapapahinga dahil pati Sabado at Linggo magkakasama kami.

Bakasyon.

Pahinga.

Walang trabaho.

DAPAT.

Sana naman nga. Bakasyon kami. WALANG MANG-IISTORBO. UTANG NA LOOB.

Excited ako usually kapag ganitong out of town, lalo pa kung grupo at talagang bibiyahe at bagong lugar pupuntahan ko. Pero sa totoo lang, hindi ako excited. Kasi kapag nangyari na naman ang naiisip ko, tama na naman ako s’yempre. Pero BAKA magwala na ako this time. So may God, mapa-kung anumang relihiyon ‘yun, forbid na mag-flare up ako at masagad-sagad na.

May sumira na kasi ng birthday celebration ko dati. Napatawad ko na ba? Ewan ko. Pero kung sa pagkalimot, obviously, hindi ko makali-kalimutan. Elephant ako e: may forgive but will never forget. Sa’n kaya nagsimula ‘yung quote na ‘yun? Swak na swak e.

‘Yun lang. Nakakatamad. Hihilahin ko na naman ang sarili ko sa pagbangon bukas ng umaga.

Haaay…

Pero sabi nga nila, pessimistic attitude ko strikes again…

 

*magdarasal*

Lord,

Alam ko po na hindi naman ako perpektong tao. May ino-okray din ako kahit ‘di naman ako kagandahan. Nagmumura at malamang makakapatay din ng tao (sooner or later). Kung may mag ibang tao ayaw magkamali, parang this time I pray na sana mali ang inaasahan kong magyayari sa bakasyon naming darating. Sana mag-enjoy naman kami at walang mang-istorbo. Respeto po ang hiling namin. Na hindi naman naibibigay sa araw-araw na humihinga po kami. Pero kahit po sa “bakasyon” namin meron. Kasi ibig pong sabihin may pag-asa pa ‘di ba? *kindat*

Sana po ipagkaloob n’yo itong munting kahilingan ko. Mas madali po ito ah, kesa sa mga dating kong dasal na sana ma-in love sa akin si *toot* o magka-BF na ako. ‘Di lang naman po ako ang masisiyahan kundi pati ang mga kagrupo ko at mga inaanak at pamilya ng boss-friend ko. Kahit po alam kong pag-uwi namin at pagbabalik sa Manila, ratratan na naman po at balik sa realidad.

‘Yun lang po. Marami pong salamat, Lord.

Amen.

 





Isang Malaking —–

21 05 2008

Fill in the blanks na lang.

Pinakakakaiba ang araw na ito sa mga nakaraang linggo at mga araw ng buhay ko. Maraming kababawang nakapagpaligaya sa akin, tulad na lang ng peanut butter spread na Ludy’s na nilalantakan ko mula pa nung Lunes. ‘Wag n’yong la-lang-langin ang Ludy’s, nostalgic ‘yun ah. Isa ‘yan sa mga pioneers ng peanut butter industry dito sa Pilipinas bago pa me Lady’s Choice at kung anu-ano pang brands.

Masaya ako dapat. Well, masaya naman ako, partially. Tulad ng pagkakasabi ko kanina, maligaya na ako lately sa ilang daily dose ng peanut butter at eto nga, isang project na isang malaking tinik na talaga na nakabaon sa lalamunan namin ang sa wakas, FINALLY final artwork na! Yahoo! Gusto kong tumambling, buti na lang di ako marunong kundi baka nabaliaan na ako ng buto. Hanggang cheer at high-five na lang ang nagawa namin ni Rio, ang aming accounts manager. I can finally say, I can move on na…

I hope nasasabi ko rin ‘yan at naa-apply sa ibang aspect ko sa buhay. Siguro ngayon, matapos ang isang napakagandang pangyayari kanina. Sarcastic na ako ngayon ah….

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko at sa isang taong naku! Ewan ko ba… Ang laki-laki kong tanga talaga. Bakit ganu’n, ikaw ng concern, ikaw na mamatay-matay sa worry o pag-aalala sa huli parang ako pang masama? Hmmm… mali eh. Maling-mali.

Tanga ko kasi… gaga pa. May bagong definition ako ng katangahan actually. Sabi ko kay Gou, at ilang pang friends na di ko na maalala kung sinu-sino sila na kapag alam mong gaga ka na sa isang tao o bagay o sitwasyon pero sige ka pa rin, tuloy pa rin ang kagagahan mo, tanga ka na talaga. Well, eto pa, binibasa n’yo na ang isang blog entry ng isang babaeng tanga.

Defend-defend ko pa s’ya sa ibang tao, sa sarili ko at I try to understand ba’t ganu’n and all that. Tampulan na ako ng tukso ng grupo pero sige, take ko lang. Kung ikakasiya ng karamihan na pagmukhain pa akong lalong tanga at katawa-tawa da’l pa rin sa kanya, go lang. Masaya sila e. Tapos ngayon eto… ako pang masama da’l di daw ako nagtanong.

Kasalanan ko pa ngayon… labo mehn!

Nasabi ko pa dati sa awa at pagkakaalam kong hindi n’ya deserve ang mga nangyayari at ginagawa sa kanya, na kung maha-hug ko lang s’ya in the hopes that that hug will take all his sorrows and pain away gagawin ko talaga. Pero ano? Ngayon, ‘tang ina, kung mababatukan ko lang s’ya at sarili ko… Nakakainis.

Kung kaya ko nga lang ihampas talaga sa pader ‘yung ulo ko para matauhan na ako, magising sa katotohanan at kung makakatulong nga talaga ‘yun kaso ‘di ko kayang gawin, masakit na, ‘di pa garantisado kung effective. Nakakaasar. Hindi s’ya madali, akala n’yo ba? Pero aminado naman ako e…

… ang tanga-tanga ko talaga!

‘Tang ina… buti pa kumain na lang ako ng sandwich na may makapal na palaman ng peanut butter mas matutuwa pa ako. Kahit sandamakmak na langis ‘yun at cholesterol at least pagkaubos ko ng sandwich, me sisimutin pa akong tumulong palaman sa mga daliri ko.

Satisfied and accomplished.

Tama. Gagawa na lang ako ng peanut butter sandwich, ‘yung makapal ang palaman na halos tumulo na sa bawat kagat na gagawin ko, mas may katuturan pa at may mapapala pa ako.





Sa Halagang One Hundred Pesos…

17 04 2008

This might have been my daring entry ever about me… doing this in the event of helping myself to move on…

––––––––––––

Ngayong gabi na talaga (actually, umaga na) ang pinaka-sign sa mga signs na hinihingi ko. Sobrang denial na talaga ako at madami ng signs in different angles at excuses ang pinalipas ko. Hopeful kasi ako. Wala na kong lusot. Ngayong gabi (umaga na nga!) dapat tapusin ko nang kabaliwan, katangahan at kagagahan ko sa buhay….

Hindi lang batok o sampla ang inabot ko noon. Pero sige, bira pa rin ako. Umasa ang gaga. Nangudngod na ako. Sinubsob na nga yata ang mukha ko sa kahihiyan, deny pa rin ako. Masarap kasing kiligin at mangarap ng gising. ‘Yung napapangiti ka lang out of the blue kahit mukha kang tanga. Pero ngayong gabi (umaga na nga, kahit wala pang araw) may audience ang katangahan ko. Sobra-sobrang sign na talaga…

… na hindi n’ya ako gusto.
… na hindi ako ang ideal girl n’ya siguro.
… na hindi na dapat ibalik ‘yung aspiration ko sa kanya.
… na hindi ko makikita sa kanya ‘yung signs na hinahanap kong magiging indicator na may chance.

Sa halagang P100.00, natauhan ako. Sa simpleng pusta, eto ako ngayon nagsusulat at isisiwalat LAHAT ng tinago ko. Sa tawa at joke na akala ng lahat eh joke at ‘yun lang, may laman pala. Totoo na all jokes are half meant.

Binigay ko nga ng buo… walang binalik sa akin kahit konti… walang sukli, walang natira. Abunado pa ako!

Hindi ko naman binibilang noon. ‘Di pinapansin na halos wala na nga pala akong itira sa sarili ko. Sa bawat chance na nakikita ko s’ya wala akong masabi. Ako na kay daldal at ‘di nauubusan ng sasabihin at ikukwento. Tumitiklop ako sa kanya. Sa mga pagkakataong nakikita kong hirap s’ya o malaman ko lang na pinagkakaisa s’ya, wala akong magawa o maipayo man lang. Gusto ko lang s’yang yakapin in the hopes na matatangal kong lahat ng hirap at pagod n’ya. Pero hanggang doon lang ako. Sa isip ko lang ‘yun. Minsan dinadaan ko sa biruan between friends. Pero sa totoo, kung sa hug ko mawawala lahat ng hirap n’ya, gagawin ko talaga…

Ang baduy ‘noh o nakakatawa, pero seryoso…

(Thought balloon: ‘Lika rito… hug kita…)

Sobra ko siguro s’yang itinaas, tinigala at hinagaan. Sobra-sobra ko s’yang inalala na willing akong ibigay kahit hindi naman n’ya hinihingi. Sobra ko s’yang pinahalagahan. Affected ako palagi sa bawat nangyayari sa kanya kahit nasasaktan naman ako kapag ‘di siya sumasagot. Hindi ako pinapansin. Pakiramdam ko naiiwan ako sa ere.

Sobra nga. Sobra-sobra.

Hindi ko akalain P100.00 lang pala ang kaapat n’ya para matauhan ako.
Sa halagang ’yon mapapasimple ang guidelines ko ng mga lalaking ihahanap daw sa akin ng mga concern kong friends
… lahat ng kabaligtaran n’ya…
… lahat ng hindi s’ya (PERIOD)

Sasagutin ko na dito ang tanong na paulit-ulit lumalabas kapag binibiro nila s’ya sa akin… na kung mahal ko ba? Siguro nga… sobra-sobra pa yata na I let myself na magmukhang tanga. Tinuloy ko pa rin kahit alam kong masasaktan lang ako. Kaya hindi talaga tama.

Pwede nga pala ‘yun… na mamahalin mo pa rin kahit alam mong di naman n’ya ibabalik sa’yo.

Pero ngayong gabi, DAPAT matapos na…

Salamat kay dating presidente Manuel L. Roxas.





Away Time… Layo Muna…

29 02 2008

Ratratan… gulatan… magic-kan…

‘Yun ang tawag ko sa mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.  Pakiramdam ko talo ako. Pagod kada tapos ng araw. Well, I guess ganu’n talaga ang buhay…

Basta alam ko, bukas, aalis kami ng nanay ko kasama ang ilang mga kaibigan n’ya. Mahigit isang dekada na akong ‘di napupunta du’n. Basta malayo lang sa gulo at lumamig ang ulo… game na!

Bukas, lalarga kami. Pero ngayon, kailangan ko munang maisip pa’no ako makakauwi. Me rally na naman…

I’ll see you tomorrow morning, Mr. Lion Head!





Wala Lang Post… U.P. AKO. IKAW BA?

10 08 2007

Nababato na ako sa kinauupuan ko. May isang kaibigan na nag-post sa Multiply, so piantulan ko na Ü Post ko na rin dito. Kung feel n’yo gawin n’yo na rin ;)

1. ANO’NG STUDENT NUMBER MO?
- 95-15415 (last batch ng ID na plastic lamination lang! oh-ha!)

2. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
- Bachelor of Fine Arts

3. SECOND CHOICE?
- Psychology (bilib et or not!)

4. ANO COURSE MO NA NATAPOS?
- Bachelor of Fine Arts in Visual Communication (SOLID!)

5. NAG-SHIFT KA BA?
- Nevah!

6. CHINITO/CHINITA KA BA?
- Yep-yep!

7. NAKAPAG-DORM KA BA?
- Yes-yes-yo!

8. NAKA-4 KA BA?
- Hmmm… Nat Sci 1 yata yun, bad trip yung bading na prof eh!

9. NAG-KA 3 KA NA BA?
- Oo, P.E. pa! Me not a sports fan… EVER!

10. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
- Yep. I’m a nerd! :p

11. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
- La e.

12. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO?
- LAHAT. Sobra pa yata ako eh… sa electives :p

13. NANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE?
- Actually, hindi na. Sawa na ako sa honors (yabang!) and di ko nakita ang gamit nun sa course ko e

14. FAVE PROF
- si Prof. Campoamor… aka Siao. Cuters na matalino kahit pwede siyang magtago sa likod ko sa kapayatan n’ya. Prof ko sa Kom 1… and UNO ako sa kanya! Weeeee!

15. WORST TEACHER
- sumalangit nawa ang kanyang soul… si Rebillon. Nasira ang perception ko sa art da’l sa kanya at siyang dahilan din ba’t ako nawalan ng amor na magsunog ng todo ng kilay for honors! Bias siya sa grading ng Certificates at Bachelors.

16. FAVE SUBJECT/S:
- Kom 1… ‘la lang… (*kilig*) at maniwala ka sa hindi, ang nag-iisang Math requirement sa amin… MATH 1. Da’l nagagamit ko s’ysa ngayon sa work ko! Saka ARNIS (P.E.) nailalabas kong sama ng loob ko sa paghataw ng arnis nung mga panahon na ‘yun Ü

17. WORST SUBJECT:
- Visual Communication… nasira ang perception ko ng perspective at shading da’l sa old school teacher! Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa

18. FAVE BUILDING:
- ‘Yung auditorium sa Science Bldg… kasi AIRCON

19. PABORITONG KAINAN:
- Chocolate Kiss… pag me pera. Pero kay Mang Nestor pisbol lang masaya na kami

20. MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
- 1.25 yung unang bayad sa Ikot ko… OO NA! MATANDA NA AKO!

21. LAGI KA BA SA LIBRARY?
- Tambay… aircon eh (’yung sa FA)… Main Lib naman, kapag gusto ko tahimik at nami-miss ang amoy ng “kalumaan” ;)

22. NAGPUPUNTA KA BA SA CLINIC?
- sa Infirmatay? Este Infirmary pala… pag me sinasamahan lang

23. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
- Oo naman! Pero yung pinakagwapo at WORTH IT… senior nung freshman ako… kaya panandaliang crush lang :(

24. ANU-ANO ANG MGA NAGING P.E. MO?
- volleyball, table tennis (na dinrop ko), tennis (na dinrop ko rin), arnis (the best!), running for fitness, at bowling (na dock pins na may mga kasamang paa… bonus points pag natira!)

25. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
- 1st year lang… di ko type. Humiwalay na ako nung 2nd sem, lalo pag G.E. subjects… notorious ang FA students sa G.E… discrimination! Buset!

26. MEMORIZE MO BA ANG HYMN NIYO?
- Nope. It’s the worst tune yata I’ve ever heard… not very catchy

27. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM?
- Napipilitan nga akong mag-PE magva-varsity pa… heller?

28. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
- sa MATH 1… oh-ha! Quizzes oo naman… sisiw eh :p

29. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
- OO! AS IN!… sa Gulod! Baptism of San Miguel PALE ha! (at may deadline na FINAL plate the next day… saya!)

30. DITO KA BA UNANG NA-IN LOVE?
- Malamang. ‘Wag na natin pag-usapan. Long story… ;)

Simpleng buhay lang no’n… at nagrereklamo pa ako. Eh hello? Mas malala ngayon… well, that’s layp!

Kayo naman!





Mga Kapanalig sa Iisang Pananampalataya

27 07 2007

Bihira mangyari na lahat kami (mukhang) masaya at magkakasama sa iisang litrato.

Ladies and gentlemen… ang malupit na Design Team na kasama ako…

Katuwaan lang din po namin ang mga salitang nakatapat sa bawat tao. Kung anong mga ibig sabihin nun ay sa amin-amin na lang. Siguro kung close na tayo baka sabihin ko.





One Day Event

26 07 2007

Kung may mga kantang tulad ng “Sana Dalawa Ang Puso Ko” at “Isang Linggong Pag-ibig”, meron na bang kantang nagsasabing nahulog ang loob mo sa pinakamaikling panahon?

Is it possible to fall in love on someone or something for just a day?

Hmmm…

Wala lang… naisip ko lang na baka nga may kanta para sa ganoong scenario.

I did fell in love with this man from our client’s office. Well, up to now, hindi pa rin ako sigurado kung love nga ba ‘yun o init lang ng katawan. Whatever that is, wala rin naman akong napala. Kahit first base man lang. Whatever that means. He was just there in a not so right time. Siguro hinubong ko lang ang sarili ko na siya na nga. Thinking that we are of the same situation, (almost) the same principles, almost the same birthday and pareho kaming mahilig sa mga bata. But here I am still getting hurt or affected pa rin kapag I get to learn he ask this girl out, or harap-harapan siyang nakikipaglandian sa ibang babae samantalang nakaupo lang naman ako sa likuran ng kotse n’ya. Oh, and for the record that he’s doing that, alam n’ya that I kinda like him.

I perhaps created a fictional world for me to enjoy and be happy around this guy being my knight in shining armor and me as the princess in distress, trapped in the tower. Yet now, the tower starts to crumble. Or better yet, it has no lock after all. I pretty much can just open the door and go down the stairs! Well, it is I who should destroy what I built, right?

It’s no fairy tale, nor a happy ending.

Maglumandi s’ya kung kanino. Nabuhay ako at mas tahimik pa nga dati nung wala siya, ba’t hindi ngayon di ba?

Bitter Ocampo?! Sabi sa akin ng friends ko. Bitter na kung bitter. Napahiya ako e, disappointed. Ang plastic ko naman kung ngingiti pa ako di ba? May mga moments pa rin na tanga at gaga pa rin ako sa kanya. Lalo na may sungit moments din. Let me recover naman. As much as I wanted na sana isang sukahan na lang o parang umutot ka lang tapos wala na yung kabag sa tiyan mo, hindi ganu’n-ganu’n lang eh. Somehow may latak pa ring maiiwan di ba? May konting natitira sa sistema mo. Pero in due time, malilinis na rin. Sana merong parang Diatabs o Kremil-S na gamot para sa isang dignified recovery. (Plugging ba ito?)

Kahit papano, I feel I am recovering naman. Bumabawi na. Sabi nga bilis naman daw mag-bounce back (sa taba ko daw kasi) Hahaha! Fine! Mataba na kung mataba, papayat din ako noh. Sana. Anyway, balik sa naunang tanong: Is is possible to fall in love in the most shortest time? Kababawan di ba? Pero siguro, humanga lang ako pansamantala. Oo nga, I used this poor kid perhaps to get over that man in the other office. I used in the sense that I didn’t hurt anyone naman… bad ‘yun! ‘Yoko makarma noh. Door to door na ngayon at next day delivery na kaya ang karma!

Nakakatuwa lang. He helps me in a way na maka-recover or ma-divert ang utak ko. Pero hindi nga possible. Bakit?

1.) Di ko naman talaga siya type. Way out of the Orlando Bloom, Jake Gyllenhaal at Collin Farrel ideology ko. ‘Wag na kumontra, pangarap nga eh. Libre lang ‘yun. Di ko kayo pinakikialaman ha?!

2.) I am old. Really OLD. And just the other day, I helped him out pa yata to realize na ang bata pa pala n’ya. Wow. I never dream of being a cradle snatcher, nor be in a May-December affair. Uso na nga daw ‘yun, but then again, hindi ako sumasabay sa mga uso. EVER.

3.) May sabit na siya. It’s a big deal for me. Although minsan may evilness na bumubulong sa akin na kasamaan na once in my life, I’d be a mistress or destroy a relationship… pero hindi ko kaya. As in. Lalo kapag pinagdidiinan na “mahal na mahal” n’ya.

In fairness, bibigyan ko na lang ng award ‘yung batang ‘yun. Sana nga tunay lahat nung pinapakita n’ya. His girlfriend would have been very lucky. What more kung magiging asawa na n’ya.

Timing was good siguro, in helping me get over the other one. But the scenario is quite bad, and the person? Lalo pa. Kataon lang, araw-araw mo katabi, nakikita, halos nakakasabay umuwi. Pero hindi rin. Nah. Hindi ko kaya. I am the writer of my own life. This is not a new chapter. Corny.

Nagkataon lang nga siguro.

If I may say this, it’s the wrong man, at a wrong place and definitely a wrong time.

And there’s no such thing as falling for a day or even fell for a day. Nagkataon lang… uulitin ko pa ulit… nagkataon lang. Pero kung pag-iisipan. Imbento lang e. Over analyzed.

As in OA.

Snapped back to reality, dear!

And besides, ayoko sa laging late.





Akronims

13 07 2007

I’m sure, kahit minsan sa buhay n’yo sumagot kayo ng autograph o slumbook lalo na nung nasa elementary pa kayo. Naaalala n’yo pa ba ‘yung last part, ‘yung hihingan ka ng “dedication”? Hehehe. Kung saka-sakaling maulit uli ‘yun at may kung sinuman na pinasagutan ka at humingi ng dedication mo ulit… marami ka ng pagpipiliian!

1.) J.A.P.A.N. - Just Always Pray At Night. *classic*

2.) H.O.L.L.A.N.D. - Hope Our Love Lasts And Never Dies.

3.) I.T.A.L.Y. - I Trust And Love You. *classic*

4.) L.I.B.Y.A. - Love Is Beautiful; You Also.

5.) F.R.A.N.C.E. - Friendships Remain And Never Can End.

6.) C.H.I.N.A. - Come Here… I Need Affection.

7.) B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me Always.

8.) N.E.P.A.L. - Never Ever Part As Lovers.

9.) I.N.D.I.A. - I Nearly Died In Adoration.

10.) K.E.N.Y.A. - Keep Everything Nice, Yet Arousing.

11.) C.A.N.A.D.A. - Cute And Naughty Action that Developed into Attraction

12.) K.O.R.E.A. - Keep Optimistic Regardless of Every Adversity.

13.) E.G.Y.P.T. - Everything’s Great, You Pretty Thing!

14.) P.E.R.U. - Porget Everyone… Remember Us. *rare*

15.) R.U.S.S.I.A. - Romance Under the Sky & Stars is Intimate Always.

16.) T.H.A.I.L.A.N.D. - Totally Happy Always In Love And Never Dull.

17.) Y.E.M.E.N. - Yugyugan Every Morning, Every Night. *rare*

18.) I.R.A.N. - Ikaw Rin Ang Nawalan. *rare*

19.) M.A.N.I.L.A. - May All Nights Inspire Love Always.

20.) B.A.L.I.W.A.G. - Beauty And Love I Will Always Give.

21.) M.A.L.A.B.O.N. - May A Lasting Affair Be Ours Now.

22.) I.M.U.S. - I Miss U, Sweetheart.

23.) P.A.S.I.G. - Please Always Say I’m Gorgeous.

24.) C.E.B.U. - Change Everything… But Us.

25.) P.A.R.A.N.A.Q.U.E. - Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under Ecstacy.

26.) T.O.N.D.O. - Tonight’s Our Night, Dearest One.

27.) P.A.S.A.Y. - Pretty And Sexy Are You.

28.) M.A.R.L.B.O.R.O. - Men Always Remember Love Because Of Romance Only..

29.) Y.A.M.A.H.A. - You Are My Angel! Happy Anniversary!

30.) P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S. - Pumping Hot…I Love It!…Please Please.. I Need Erotic Stimulation!

Isang araw na bagot na bagot ka sa kinauupuan mo sa opis. Kulang na lang sa kada tingin mo sa time sa computer mo eh bumilis sana tapos makikita mo ito sa isang email na mula sa katabi mo! Nono, salamat. Napatawa mo na naman ako! Hehehe.

Di En.





Basahin mo, baka maka-relate ka…

10 07 2007

Sa kakahalungkat ko sa mga files ko kay Taynee (pangalan ko sa aking 12″ Powerbook ko dati), nakita kong muli ang isang article na padala ng isa sa mga kaibigan kong babae. (Sorry ‘di na kita maalala kung sino ka man. Pero greatly appreciated kong pinadala mong ito!)
Hayaan n’yong ibahagi ko sa inyo, lalo na sa mga mambabasang kababaihan ang artikulong ito:

NAGTATAKA KA BA KUNG BAKIT SINGLE KA PA RIN?

Minsan ayos lang kasi free na free ka gawin kung ano ang gusto 
mo o kaya makakapunta ka kung saan mo gustong pumunta. Pero kung minsan, 
lalo na’t malamig ang hangin o kaya maganda ‘yung view, magwi-wish ka na
 sana may yumayakap sa’yo, hahalikan ka sa noo at titingnan ka ng parang
 ikaw na yata ang pinakamagandang babae sa mundo. Nakaka-miss ‘yun. 

Kaya heto, susubukan ko bilangin ang mga dahilan kung bakit single pa 
tayo. Gaano katagal na ba tayo walang nagiging boyfriend/girlfriend?

1. Masyadong independent 

baka naman masyado mo napo-project na kaya mong mabuhay ng wala silang
 lahat. Ayan tuloy parang hindi nila maramdaman na kailangan mo rin sila 
kaya dun na lang sila sa taong tingin nila ay magkakaron sila ng silbi.

2. Mataas ang standards mo 

siguro. Hindi na natanggal sa isip mo ‘yung pangarap mo nung bata ka pa. 
Aba, kelangan mo na gumising sa katotohanan na walang ideal guy. Ok sige, 
kung makita mo nga ‘yung hinahanap mo na gwapong matalino na mayaman na
mabait pero nung nakasama mo naman eh nakita mo hindi pala pantay ang
 kuko niya sa hinlalaki o kaya naman sobrang bad breath niya sa umaga o
 kaya naman daig pa ang tambutso sa lakas manigarilyo… oh eh di turn-off 
ka na? Kung lahat ng tao ay katulad mo na mataas ang standards, malamang
 wala ng mag-boyfriend at mag-girlfriend ngayon. Puro friends na lang.

3. Ubod ka ng kasungitan. 

Maski naman kahit sino hindi masarap lapitan at kausapin ang taong 
mukhang nangangain ng tao, tapos liligawan pa? Dapat kasi kahit konti 
maging approachable ka naman para kahit na hindi ka kagandahan, 
madidiskubre niya na masarap ka palang kausap at masaya kang kasama.

4. Masama ang ugali. 

Kung papipiliin ako kung sa masungit at sa masama ang ugali, du’n na ko
 sa masungit! Ang masungit kasi hindi likas na maitim ang budhi n’yan. May 
taglay na istorya sa likod ng simangot niya. Sabihan mo lang ‘yan ng
 ‘peek-a-boo’ BAKA ngitian ka na. Ibang istorya na kasi ang masama ang
 ugali dahil mula pa yang ugali na ‘yan sa kaibuturan ng kanyang mga 
balunbalunan. Sa una mabait pero madidiskubre mo na parang trapo ang tao 
kung tratuhin nito. Tsk tsk tsk. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Kung kaya mo pa magbago, bigyan mo ng pagkakataon ang sarilli mo na 
magbago. Magdasal ka kay Lord ng mataimtim ha?

5. Nagkukulong sa bahay. 

Walang makaka-appreciate sa panloob o panlabas na beauty mo kung
 nagkukulong ka lang sa bahay. Ok, nand’yan nga ang nanay mo para sabihin 
na maganda ka pero I’m sure umay na umay na rin ‘yan sa pagmumukha mo kaya 
mas maigi kung lumabas ka… pagkagaling sa office, pwede ka mag-mall o 
kaya gumimik kasama mga officemates mo, o kaya naman sumali sa mga 
organization sa simbahan or sa neighborhood.

6. Mukha kang losyang. 

Ito ang kadalasang krimen ng mga single. Hindi ka nagbibigay ng panahon
 para ayusin ang sarili physically. At bakit pa nga ba e wala ka naman 
dahilan para mag-ayos, diba? MALI!!! Dapat nga lalo ka mag-ayos para 
makita ang marketability mo. Hindi krimen ang maging vain kahit konti.
 Did u know na ang ratio ng lalaki sa babae ay 4:1? Kaya lola, magsimula
 ka na mag-ayos! At baka yung crush mo ay maagaw pa ng mga intrimitida 
sa paligid mo.

7. Masyadong magaling.

 Medyo sensitive itong topic na ito dahil nasasagasaan na ang male ego 
dito eh. Oo, may ibang lalake na nabuburaot dahil mas magaling at mas 
marunong ang babae sa kanila. Hindi na natin ito problema dahil malamang 
insecurity nila ang bumubulong sa kanila pero minsan kasi hindi na 
makatarungan na laging nai-inferior ang lalake. Kailangan maramdaman din 
nila sa iyo na hindi mo sila ia-under the saya if maging girlfriend ka
nila. Hindi ko rin sinasabi na i-compromise mo ang talents mo. Ano bang
 magagawa ko kung likas na magaling na bata ka pero ang tamang gawin ay 
’wag naman ipagdukdukan na sobrang galing mong tao. Huwag na huwag mong 
kalimutan ng may 2 klaseng yabang dito sa mundo. Huwag kang 
mang-intimidate kung ayaw mong ma-intimidate.

8. Sobrang busy. 

Alam mo ba ‘yung kantang ‘Narda’? Ganyan ang mangyayari sa iyo. Hanggang 
kanta na lang ang aabutin ng nagkakagusto sa’yo dahil maski pag-pluck ng
 kilay mo wala kang time.

9. Dala ang bigat ng kahapon. 

May kasabihan nga, “How can you look forward when you keep looking back?” 
Walang mangyayari sa love life mo kung dala mo pa ang kabiguan na
 dinulot ng nakaraan mo. Walang sense ang magpaka-bitter dahil in the end, 
lalo ka lang papangit. Pangit na nga, bitter pa. Tsaka ‘wag kang matakot 
masaktan kung gusto mo magmahal muli. Laging kaakibat ng love ang pain 
dahil hindi ka masasaktan kung hindi ka nagmahal. At isa pa, ‘wag ka ring 
matakot na kunin ang pagkakataon kung nandiyan na sa harap mo. Pa’no mo
 malalaman na masarap ang chocolate kung hindi mo titikman?

10. Masyadong-masyado. 

Masyado maganda, masyadong matalino, masyadong talented, at masyado 
mayaman. Minsan ito ang mga nagiging factor kung bakit walang gusting 
manligaw sa’yo. Pero hindi mo naman ito kasalanan di ba? Katulad din ito
ng scenario sa #7. Siguro mas maigi kung humble ka lang, hindi mayabang, 
at imbis na maging hambog, share na lang the blessing. Hindi ka lang
 maganda/matalino/talented/mayaman, mabait pa. I’m sure, lahat 
mahuhumaling sa’yo.

At eto ang pinakamatindi sa lahat:

11. Wala sa guhit ng palad mo ang magka-boyfriend. 

Shiyet! Ang saklap naman nito kung ganu’n nga. Hindi porke’t hindi ka na 
magkaka-boyfriend ay loser ka na. Malamang may nakalaan na plano sa’yo 
si Lord kaya gusto Niya na wala kang boyfriend. Siguro kaya wala kang
 boyfriend dahil kelangan ang full attention mo sa pagtulong sa 
pagtaguyod ng pamilya mo, baka yayaman ka at magiging tagapagmana mo mga
 pamangkin mo. Baka kelangan ang full time and support mo sa organization 
mo… maraming dahilan eh pero nakakasiguro naman ako na walang bagay na 
nangyayari sa’yo na hindi kagustuhan ng nasa itaas. Laging may greater 
purpose kung bakit nangyayari ang nangyayari.

 Kaya kung halimbawang may darating, ‘wag na pakyeme. Kung hindi mo type 
ang lalapit sa’yo, let it go gracefully dahil mahirap na at baka balikan
 ka ng karma. Kung nandyan na, gawin na lang ang best para mag-stay siya sa 
buhay mo at hindi ka na nagtataka pa kung bakit single ka.





Takbuhan

22 06 2007

Nandito na naman ako sa isang sikat na fastfood chain, sa madalas kong pwestuhang lamesa. Nadadalas ang pagkain at tambay ko dito ah kahit saksakan ng ingay at halo-halo ang mga tao. Ibig kong sabihin, may mga jologs, pami-pamilya, barka-barkada, mga yuppies, mga foreigners… kahit mga mayayaman? Aba! Nasasarapan nga ba sila o sadyang kuripot lang itong mga ito.

Pero hindi naman sa pagmamayabang, tuwing kumakain ako dito, dumarami ang tao. Parang dala ko ang swerte.

‘Nak ng pucha!

Dati sa isang kapihan ako madalas. Lumipat sa isa pang kapihan kasi libre WiFi. Kaso lately naiinis na ako kasi madalas magluko ang internet connection daw. Ang mahal ng tsaa nila noh… di na tuloy sulit. Siguro natatauhan na lang ako sa mga kagastusan ko at kaprichuhan sa katawan. Kaya wala akong naiipong pera eh puro utang!

Hindi ko alam kung maaawa ako sa sarili ko o dapat matuwa pa ako. Dati-rati ang dali kong makahatak ng mga tao na makainuman o kaya makakasama lang. Kaladkarin din naman kasi ako. Pero noon ‘yun. Ngayon parang hirap na ako sa isa-isahin ang nasa phonebook ng cellphone ko. Nasasala na nga kaya ang mga taong maituturing mong kaibigan? O sadyang marami na lang pinagkakaabalahan ang karamihan?

Ano pa man? Eto, nakakayanan. Pride-pride daw kunwari, pero minsan di rin matiis.

Oo na! Nakaka-miss ‘yung isang tao d’yan sa tabi-tabi. Siya pa rin ang unang naiisip ko sa mga ganitong pagkakataon. Alam na nya’t lahat, wala pa rin. Busted na nga yata ako…

Leche!

Oh well… that’s layp.

Kailangan ko na talagang makahanap ng kapalit ng gagong ‘yun. Kahit pansamantala lang. Iniisip mo siguro gagamitin ko lang yung bagong ipapalit. Well, ganu’n pa man, para maka-move on naman ako. Hay! Malamang pumapalakpak na naman ang tenga ng gagong ‘yun kasi siya na naman ang naiisip ko at kinukwento ko. Buti sana kung gwapo (‘kala mo ke ganda ko eh!)… ewan ko ba?!

Matapos na ngang entry na ito at may mga umaaligid-aligid ng mga hip-hops! Diosmijio! Sana mapatid sa baba ng mga pantalon nila!

Bwahahaha!!! Ang sama ko!