Tagalog Naman
Pwede Taglish? (Tagalog+English)
Minsan mahirap ding mag-isip ng sasabihin in English eh. Hindi pa naman ako Best in English. Dati, nagkaroon ako ng award na Best in Filipino, high school ako noon.
Isa akong promdi (from the province). Hindi ko maikakaila yun o itatatwa. Sa Manila man nahubog ang isipan ko, puso’t kaluluwa ko’y pabor pa rin sa probinsya (basta outside Manila, ‘yun ang probinsya sa akin). I have nothing against English, except that hindi ako kasing gagaling nina Kris Aquino o sinumang mula sa Ateneo, La Salle (kahit Benilde pa), Brent o anumang eskuwelahang English speaking. Mas panatag lang akong mag-Filipino, mag-Tagalog. Saka nami-miss ko na ring magsulat ng Tagalog o Taglish…
Mula sa pahinang ito, asahan n’yo na may panaka-nakang (wow! hebigat na kataga ‘yun ah!) blog na nasusulat sa ganitong paraan. Katulad pa rin ng dati, kung anong maisipan… kung anong damdaming gusto ilabas, idadaan ko na lang sa pagsusulat.
Ü








enzo
January 29, 2012 at 8:08 pm
makailang taon na rin na ako’y gumagamit ng Social Network tulad ng Facebook na nasa wikang Filipino. Karamihan sa aking mga kaibigan at kaanak ay napapangiti at ang iba’y natatawa kapag nakikita nila’t nababasa ang nasabing pahina na nasa wikang Filipino.