RSS

Bahala Na

20 Jun

Dapat talagang isulat ang anumang nasa sa isip o damdamin sa panahong nag-uumapaw ang mga ito. Bakit? Ngayon, parang isang malinis at maputing papel ang isipan ko…

Blangko…

Samantalang kahapon, kagabi, parang printing machine ito na tuluy-tuloy ang pag-imprenta. ‘Yun nga lang hindi ko pinapansin at sa halip ay mas minabuti ko pang mangapit-bahay at matulog… pero inaantok pa rin… tinatamad.

Nasa kalagitnaan ako ng Quezon City ngayon, nag-almusal sa isang tanyag na fastfood chain. Huli na ako sa pagpasok sa trabaho kung tutuusin. Wala naman kaming bundy clock para pagta-time in at time out. Gusto ko lang may konting disiplina. Mga 45 minuto rin ang byahe, 2 sakay ng dyip o FX tapos lalakarin mula gate kung nasa mood ako mag-exercise o magmuni-muni. Pero kapag tinatamad magpa-padyak na ako. Dapat nasa opisina na ako bago mag-alas 9 ng umaga. Pero 8:39 AM na, tapos na ako kumain pero di pa rin ako tumatayo sa kinauupuan ko.

Inaantok… tinatamad…

Ang masama nito, sa katamaran kong ito, mapapa-taxi na naman ako. Hay. Wala na akong kadala-dala. Nauubos lang ang sweldo ko, kulang pa pero ako rin naman ang may kagagawan. Late na rin lang, magta-taxi pa? Mayabang…

Tamad.

Nangangarap na naman akong makapagsulat ng isang makabuluhang entry ng blog. Wala naming nagbabasa nito. Hahaha… nakikini-kinita ko ng mga sabihin ng Nanay ko kung naiintindihan o nakikita itong pinaggagawa ko.

Isang pag-aaksaya ng panahon. Wala raw katuturan.

Hmmm…

Anong magandang pagtatapos ng entry na ito? O ng araw na ito? Hindi ko rin alam. Tulad ng dati…

Bahala na si… Batgirl!

———-

Inilathala pagkarating ng opisina, malalipas ang ilang oras. Hindi ako nag-taxi.

 
2 Comments

Posted by on June 20, 2007 in Tagalog Naman

 

2 responses to “Bahala Na

  1. Faye Ilogon

    June 20, 2007 at 11:52 am

    Heyyyyy! I read your blog every chance I get! Any eye candy suggestions?🙂

     
  2. Nemcy

    June 22, 2007 at 4:03 am

    Faye, san ko pala ipapadala ang food lists ko? Ü

    Eyer candy suggestions? Hmmm… mga papa-bles ko… Orlando Bloom, Jake Gyllenhaal, Heath Ledger… well, to just name a few😉

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: