RSS

Takbuhan

22 Jun

Nandito na naman ako sa isang sikat na fastfood chain, sa madalas kong pwestuhang lamesa. Nadadalas ang pagkain at tambay ko dito ah kahit saksakan ng ingay at halo-halo ang mga tao. Ibig kong sabihin, may mga jologs, pami-pamilya, barka-barkada, mga yuppies, mga foreigners… kahit mga mayayaman? Aba! Nasasarapan nga ba sila o sadyang kuripot lang itong mga ito.

Pero hindi naman sa pagmamayabang, tuwing kumakain ako dito, dumarami ang tao. Parang dala ko ang swerte.

‘Nak ng pucha!

Dati sa isang kapihan ako madalas. Lumipat sa isa pang kapihan kasi libre WiFi. Kaso lately naiinis na ako kasi madalas magluko ang internet connection daw. Ang mahal ng tsaa nila noh… di na tuloy sulit. Siguro natatauhan na lang ako sa mga kagastusan ko at kaprichuhan sa katawan. Kaya wala akong naiipong pera eh puro utang!

Hindi ko alam kung maaawa ako sa sarili ko o dapat matuwa pa ako. Dati-rati ang dali kong makahatak ng mga tao na makainuman o kaya makakasama lang. Kaladkarin din naman kasi ako. Pero noon ‘yun. Ngayon parang hirap na ako sa isa-isahin ang nasa phonebook ng cellphone ko. Nasasala na nga kaya ang mga taong maituturing mong kaibigan? O sadyang marami na lang pinagkakaabalahan ang karamihan?

Ano pa man? Eto, nakakayanan. Pride-pride daw kunwari, pero minsan di rin matiis.

Oo na! Nakaka-miss ‘yung isang tao d’yan sa tabi-tabi. Siya pa rin ang unang naiisip ko sa mga ganitong pagkakataon. Alam na nya’t lahat, wala pa rin. Busted na nga yata ako…

Leche!

Oh well… that’s layp.

Kailangan ko na talagang makahanap ng kapalit ng gagong ‘yun. Kahit pansamantala lang. Iniisip mo siguro gagamitin ko lang yung bagong ipapalit. Well, ganu’n pa man, para maka-move on naman ako. Hay! Malamang pumapalakpak na naman ang tenga ng gagong ‘yun kasi siya na naman ang naiisip ko at kinukwento ko. Buti sana kung gwapo (‘kala mo ke ganda ko eh!)… ewan ko ba?!

Matapos na ngang entry na ito at may mga umaaligid-aligid ng mga hip-hops! Diosmijio! Sana mapatid sa baba ng mga pantalon nila!

Bwahahaha!!! Ang sama ko!

 
2 Comments

Posted by on June 22, 2007 in Tagalog Naman

 

2 responses to “Takbuhan

  1. badoodles.wordpress.com

    June 25, 2007 at 8:21 am

    haha! para lang akong nagbabasa ng latest edition ng dailies in an afternoon coffee break. ayos ka nga dahil tagalog straight kaya mo, ako pag hirap sa tagalog iniinglish na lang, and vice versa.

    pareho pala tau, may pagka-suwerte ang puwit. kung saan ako kumakain, maya maya nagdadagsaan na ang bumibili. hmmm… san kaya pedeng mapakinabangan ang wetpaks na to.

     
  2. Nemcy

    June 26, 2007 at 8:05 am

    Oo nga eh. San kaya tayo makikinabang at yayaman sa swerte nating yun? :p

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: