RSS

Isang Malaking —–

21 May

Fill in the blanks na lang.

Pinakakakaiba ang araw na ito sa mga nakaraang linggo at mga araw ng buhay ko. Maraming kababawang nakapagpaligaya sa akin, tulad na lang ng peanut butter spread na Ludy’s na nilalantakan ko mula pa nung Lunes. ‘Wag n’yong la-lang-langin ang Ludy’s, nostalgic ‘yun ah. Isa ‘yan sa mga pioneers ng peanut butter industry dito sa Pilipinas bago pa me Lady’s Choice at kung anu-ano pang brands.

Masaya ako dapat. Well, masaya naman ako, partially. Tulad ng pagkakasabi ko kanina, maligaya na ako lately sa ilang daily dose ng peanut butter at eto nga, isang project na isang malaking tinik na talaga na nakabaon sa lalamunan namin ang sa wakas, FINALLY final artwork na! Yahoo! Gusto kong tumambling, buti na lang di ako marunong kundi baka nabaliaan na ako ng buto. Hanggang cheer at high-five na lang ang nagawa namin ni Rio, ang aming accounts manager. I can finally say, I can move on na…

I hope nasasabi ko rin ‘yan at naa-apply sa ibang aspect ko sa buhay. Siguro ngayon, matapos ang isang napakagandang pangyayari kanina. Sarcastic na ako ngayon ah….

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko at sa isang taong naku! Ewan ko ba… Ang laki-laki kong tanga talaga. Bakit ganu’n, ikaw ng concern, ikaw na mamatay-matay sa worry o pag-aalala sa huli parang ako pang masama? Hmmm… mali eh. Maling-mali.

Tanga ko kasi… gaga pa. May bagong definition ako ng katangahan actually. Sabi ko kay Gou, at ilang pang friends na di ko na maalala kung sinu-sino sila na kapag alam mong gaga ka na sa isang tao o bagay o sitwasyon pero sige ka pa rin, tuloy pa rin ang kagagahan mo, tanga ka na talaga. Well, eto pa, binibasa n’yo na ang isang blog entry ng isang babaeng tanga.

Defend-defend ko pa s’ya sa ibang tao, sa sarili ko at I try to understand ba’t ganu’n and all that. Tampulan na ako ng tukso ng grupo pero sige, take ko lang. Kung ikakasiya ng karamihan na pagmukhain pa akong lalong tanga at katawa-tawa da’l pa rin sa kanya, go lang. Masaya sila e. Tapos ngayon eto… ako pang masama da’l di daw ako nagtanong.

Kasalanan ko pa ngayon… labo mehn!

Nasabi ko pa dati sa awa at pagkakaalam kong hindi n’ya deserve ang mga nangyayari at ginagawa sa kanya, na kung maha-hug ko lang s’ya in the hopes that that hug will take all his sorrows and pain away gagawin ko talaga. Pero ano? Ngayon, ‘tang ina, kung mababatukan ko lang s’ya at sarili ko… Nakakainis.

Kung kaya ko nga lang ihampas talaga sa pader ‘yung ulo ko para matauhan na ako, magising sa katotohanan at kung makakatulong nga talaga ‘yun kaso ‘di ko kayang gawin, masakit na, ‘di pa garantisado kung effective. Nakakaasar. Hindi s’ya madali, akala n’yo ba? Pero aminado naman ako e…

… ang tanga-tanga ko talaga!

‘Tang ina… buti pa kumain na lang ako ng sandwich na may makapal na palaman ng peanut butter mas matutuwa pa ako. Kahit sandamakmak na langis ‘yun at cholesterol at least pagkaubos ko ng sandwich, me sisimutin pa akong tumulong palaman sa mga daliri ko.

Satisfied and accomplished.

Tama. Gagawa na lang ako ng peanut butter sandwich, ‘yung makapal ang palaman na halos tumulo na sa bawat kagat na gagawin ko, mas may katuturan pa at may mapapala pa ako.

 
Leave a comment

Posted by on May 21, 2008 in Rants, Tagalog Naman

 

Tags: , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: