RSS

Tagalog Naman Tayo…

13 Jul

Lunes na naman bukas. Ibig sabihin luluwas na naman ako ng Manila. Pag luluwas ako, ibig sabihin nu’n maaga na naman kasi tanghaliin ka lang ng konti o abutan ng rush hour – patay! Pahirapan sa pagsakay. Para kang sardinas sa latang di pa nabubuksan. 

Alam ko na naman ang scenario kada Lunes. Kaya madalas Linggo palang ng hapon on gabi lumuluwas na ako. Hindi naman ‘yung ang reklamo ko.

Luluwas ako kasi magtatrabaho na naman ulit.

Hindi naman sa ayaw ko ‘yung trabaho ko. Well, ako ayos naman. Hindi nga lang pa rin maintindihan ng karamihan ‘yung ginagawa ko. Para kasi sa “karamihan” pag nagtatrabaho ka dapat 8am-5pm, nakaapustura at yumayaman. 9am to 6pm naman kami kaso minsan extended pati weekends, no OT pay. Dati ok lang sa akin, ngayon…. Hmmm… sabihin na lang natin na pagod na ako at sawa na sa pagiging mabait… or rather, tawag ng “karamihan” sa amin – TANGA.

Simple lang naman e. Gusto ko ‘yung ginagawa ko. Well, basta naman gusto mo madaling simulan, gawin o ituloy.

Basta kung gusto mo.

Kaso lately, nakakawala ng gana. Sawa na ba ako? I don’t think so naman. Sabi baka daw kasi parang pagkain ‘yung scenario, puro pansit bihon na lang. What if mag-miki naman daw ako o canton. Hellow?!? Pansit pa rin! Ewan!

After 3 (official) years, makakapagbakasyon na ang grupo. Kung tutuusin, 5 taon na pala mula ng sinimulan ng boss mula pa nung soloista pa s’ya. Masasara ang tindahan ng 2 araw, pero 4 na araw kaming mapapahinga dahil pati Sabado at Linggo magkakasama kami.

Bakasyon.

Pahinga.

Walang trabaho.

DAPAT.

Sana naman nga. Bakasyon kami. WALANG MANG-IISTORBO. UTANG NA LOOB.

Excited ako usually kapag ganitong out of town, lalo pa kung grupo at talagang bibiyahe at bagong lugar pupuntahan ko. Pero sa totoo lang, hindi ako excited. Kasi kapag nangyari na naman ang naiisip ko, tama na naman ako s’yempre. Pero BAKA magwala na ako this time. So may God, mapa-kung anumang relihiyon ‘yun, forbid na mag-flare up ako at masagad-sagad na.

May sumira na kasi ng birthday celebration ko dati. Napatawad ko na ba? Ewan ko. Pero kung sa pagkalimot, obviously, hindi ko makali-kalimutan. Elephant ako e: may forgive but will never forget. Sa’n kaya nagsimula ‘yung quote na ‘yun? Swak na swak e.

‘Yun lang. Nakakatamad. Hihilahin ko na naman ang sarili ko sa pagbangon bukas ng umaga.

Haaay…

Pero sabi nga nila, pessimistic attitude ko strikes again…

 

*magdarasal*

Lord,

Alam ko po na hindi naman ako perpektong tao. May ino-okray din ako kahit ‘di naman ako kagandahan. Nagmumura at malamang makakapatay din ng tao (sooner or later). Kung may mag ibang tao ayaw magkamali, parang this time I pray na sana mali ang inaasahan kong magyayari sa bakasyon naming darating. Sana mag-enjoy naman kami at walang mang-istorbo. Respeto po ang hiling namin. Na hindi naman naibibigay sa araw-araw na humihinga po kami. Pero kahit po sa “bakasyon” namin meron. Kasi ibig pong sabihin may pag-asa pa ‘di ba? *kindat*

Sana po ipagkaloob n’yo itong munting kahilingan ko. Mas madali po ito ah, kesa sa mga dating kong dasal na sana ma-in love sa akin si *toot* o magka-BF na ako. ‘Di lang naman po ako ang masisiyahan kundi pati ang mga kagrupo ko at mga inaanak at pamilya ng boss-friend ko. Kahit po alam kong pag-uwi namin at pagbabalik sa Manila, ratratan na naman po at balik sa realidad.

‘Yun lang po. Marami pong salamat, Lord.

Amen.

 

 
Leave a comment

Posted by on July 13, 2008 in Rants, Tagalog Naman

 

Tags: , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: