RSS

Tag Archives: isandaang piso

Sa Halagang One Hundred Pesos…

This might have been my daring entry ever about me… doing this in the event of helping myself to move on…

––––––––––––

Ngayong gabi na talaga (actually, umaga na) ang pinaka-sign sa mga signs na hinihingi ko. Sobrang denial na talaga ako at madami ng signs in different angles at excuses ang pinalipas ko. Hopeful kasi ako. Wala na kong lusot. Ngayong gabi (umaga na nga!) dapat tapusin ko nang kabaliwan, katangahan at kagagahan ko sa buhay….

Hindi lang batok o sampla ang inabot ko noon. Pero sige, bira pa rin ako. Umasa ang gaga. Nangudngod na ako. Sinubsob na nga yata ang mukha ko sa kahihiyan, deny pa rin ako. Masarap kasing kiligin at mangarap ng gising. ‘Yung napapangiti ka lang out of the blue kahit mukha kang tanga. Pero ngayong gabi (umaga na nga, kahit wala pang araw) may audience ang katangahan ko. Sobra-sobrang sign na talaga…

… na hindi n’ya ako gusto.
… na hindi ako ang ideal girl n’ya siguro.
… na hindi na dapat ibalik ‘yung aspiration ko sa kanya.
… na hindi ko makikita sa kanya ‘yung signs na hinahanap kong magiging indicator na may chance.

Sa halagang P100.00, natauhan ako. Sa simpleng pusta, eto ako ngayon nagsusulat at isisiwalat LAHAT ng tinago ko. Sa tawa at joke na akala ng lahat eh joke at ‘yun lang, may laman pala. Totoo na all jokes are half meant.

Binigay ko nga ng buo… walang binalik sa akin kahit konti… walang sukli, walang natira. Abunado pa ako!

Hindi ko naman binibilang noon. ‘Di pinapansin na halos wala na nga pala akong itira sa sarili ko. Sa bawat chance na nakikita ko s’ya wala akong masabi. Ako na kay daldal at ‘di nauubusan ng sasabihin at ikukwento. Tumitiklop ako sa kanya. Sa mga pagkakataong nakikita kong hirap s’ya o malaman ko lang na pinagkakaisa s’ya, wala akong magawa o maipayo man lang. Gusto ko lang s’yang yakapin in the hopes na matatangal kong lahat ng hirap at pagod n’ya. Pero hanggang doon lang ako. Sa isip ko lang ‘yun. Minsan dinadaan ko sa biruan between friends. Pero sa totoo, kung sa hug ko mawawala lahat ng hirap n’ya, gagawin ko talaga…

Ang baduy ‘noh o nakakatawa, pero seryoso…

(Thought balloon: ‘Lika rito… hug kita…)

Sobra ko siguro s’yang itinaas, tinigala at hinagaan. Sobra-sobra ko s’yang inalala na willing akong ibigay kahit hindi naman n’ya hinihingi. Sobra ko s’yang pinahalagahan. Affected ako palagi sa bawat nangyayari sa kanya kahit nasasaktan naman ako kapag ‘di siya sumasagot. Hindi ako pinapansin. Pakiramdam ko naiiwan ako sa ere.

Sobra nga. Sobra-sobra.

Hindi ko akalain P100.00 lang pala ang kaapat n’ya para matauhan ako.
Sa halagang ’yon mapapasimple ang guidelines ko ng mga lalaking ihahanap daw sa akin ng mga concern kong friends
… lahat ng kabaligtaran n’ya…
… lahat ng hindi s’ya (PERIOD)

Sasagutin ko na dito ang tanong na paulit-ulit lumalabas kapag binibiro nila s’ya sa akin… na kung mahal ko ba? Siguro nga… sobra-sobra pa yata na I let myself na magmukhang tanga. Tinuloy ko pa rin kahit alam kong masasaktan lang ako. Kaya hindi talaga tama.

Pwede nga pala ‘yun… na mamahalin mo pa rin kahit alam mong di naman n’ya ibabalik sa’yo.

Pero ngayong gabi, DAPAT matapos na…

Salamat kay dating presidente Manuel L. Roxas.

 
4 Comments

Posted by on April 17, 2008 in Realizations, Tagalog Naman

 

Tags: , , , , , , ,

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.