RSS

Tag Archives: Tagalog

Full 360 Degrees And Back

Ang tagal kong di nagsulat. Tapos ngayon Taglish (Tagalog-English combined) naman. There’s no best way na makwento ko ‘yung nasa isip ko ngayon but in that way.

Na-realize ko lang kanina habang pinipilit kong kumain ng almusal na napapa-English na pala ako kagabi. Oo, lumabas din ang siguro coño side or pagka-kolehiyala ko kagabi habang humahagulgol sa sakit at confusion na nangyari kagabi lang.

Sa title ko, ‘yan ‘yung naramdaman ko in less than 24 hours. Full swing or full round from being happy to sudden pain and sadness. Well, lamang naman nung saya or happy moments kasi nung Linggo pa ‘yun. Pero kahapon, Monday, from high to bottom ako. Never in my life would have I imagined na ganu’n pala kasakit na natakot ako na baka atakihin ako ng hika or biglang magsugod sa ospital ang 2 sobrang lalapit kong mga kaibigan na halos kapatid ko na. Pero may point na wala na akong pakialam habang nanghihina ka na sa kakapigil umiyak pero sumabog ka na. Pinipigilan ko pa dahil ayaw kong ma-witness ng mga bata at their young age na ang Ninang ‘Ba nila, sa tandang ito e humahagulgol sa garden nila.

Ganu’n pala ‘yung sinasabing “breakdown”. Akala ko OA lang ‘yung sa movies. Para ka pala talagang nauubos na kandila. Mangangatog ang tuhod at sobrang kinokontrol mo na ‘wag mag-pass out. Sobrang gulo na nang isip mo kasi wala ka nang magawa sa mga panahon na ‘yun.

Ok, magulo ba? Sorry. Ganito na lang: siguro naman may pagkakataon na sa buhay n’yo na sobrang saya n’yo na halos gusto mong ilibre ang buong mundo sa nararamdaman mong happiness kahit alam mong either ang babaw naman nu’n reason ng kaligayahan mo sa ibang tao or pwedeng isipin nila na gaga or tanga ka because of that PERO wala kang pakialam. Basta masaya ka. PERIOD. Nung Sunday, ganun ako. Nakakangawit pala sa pisngi ‘yung lagi kang napapangiti? Nagka-facial exercise ako ng hindi inaasahan. ‘Yung happiness nubng Sunday was 2-way. And it has transcended until Monday early evening.

Ayan, the down side kicked in the moment na ang reason na kung bakit ka masaya biglang kumontra. ‘Yung naramdaman mo na naman na “it’s me against the world” na naman ba ito? Na pinaglalaruan na naman ba ako ni Fate at ano ba Lord, nagjo-joke ka na naman ba? Grabe! Ang daming tanong. Ang sakit sa ulo na ‘yung skull mo parang binibiyak ng bread knife lang. Na ‘yung puso mo hindi kumakabog nang mabilis kundi parang it stopped tapos hindi ka makahinga. Pero OA di ko naisip na ikakamatay o mamamatay na ako. Adik pa rin ako kasi despite na ang happiness nung Sunday e nag-turn around yata, inaalala ko pa rin ‘yung field work ko mamaya sa MOA at ‘yung i-email kong JPEGs na submission para bukas.

Mabait nga siguro ako. Gaga at tanga na sa sobrang kabaitan. Pero siguro, kahit isa sa inyo dyan na matiyagang makakabasa nito will nod and will say “oo nga” that there’s one person in your life, reasonably but most likely hindi mo maipaliwanag in words na maiintindihan ng lahat na ipagtatanggol mo, naiintindihan mo at kung pwede lang, kung genie ka lang bibigyan mo ng 3 wishes. Hindi counted ang parents o family members ha? Nasa dugo ‘yun e. Pero isang tao, kahit ano pa s’ya noon, kahit alam mong mga nangyari sa kanya, strangely tanggap mo. Etong tao na ito na nawala, bumalik, nawala na naman da’l magulo man ang utak pero pilit na inaayos ang buhay e bumalik nga tapos mawawala na naman, anong gagawin mo?

It ran in my mind last night those lines we usually say to our friends na perhaps in such situation too.

“He’s not meant for you.”

“Niloloko ka lang n’ya.”

“Baka naman psychiatrist lang tingin n’ya sa’yo.”

“Gago/tarantado/ s’ya para ganyanin ka.”

“You’ll be ok.”

Those words, you wanted to defy it. First time in my life, nung tinanong akong “Ok ka lang ba?” sumagot ako na “Honestly, hindi.”

Sa mga breakdowns kailangan talagang merong kahit isang kaibigan kang sensible na magtutuwid ng pag-iisip mo. Alam naman natin ang gagawin e. Nasasabi at napapayo pa nga natin di ba? Pero iba kapag ikaw na ‘yung nasa situation. Gusto mo lang ibalik ‘yung dati, ‘yung pwede bang gamitin ‘yung remote control ng TV to rewind or mag-undo keys ka para mabura at ma-redo mo.

Full 360 comes in now. After the begging, yes, I begged and felt that was my lowest point in my life me trying to be strong despite alone and independently living and attempting to be a woman with balls, begged. Nawala ang pride-pride. Nagagalit ako hindi sa kanya at uulitin ko ulit sa mga nakakaalam na ‘wag kayong magalit sa kanya kasi may kasalanan din ako. Baka may na-imprint sa akin o akong nag-imprint. Basta, sana understand that du’n ako sumaya. Some felt and even witnessed that. A few hours after my head was somehow thinking straight na and thoughts were collected. After a text and an attempted for a couple more times to call and talk to him after the dropping calls and the fact na alam mong ayaw ka n’yang kausapin kasi  alam n’yang umiiyak ka na at di ka papapigil, nagbukas din sya ng phone. He replied from my last text message and without hesitation kahit sabi ng lahat ‘wag kang bibigay, ‘wag kang tatawagan, ‘wag ka muanng makipag-usap, tumawag ako.

Hindi man fully happy ending. Hindi man kami for now. At least he’s not leaving or disappearing again. Parehas lang pala ‘yung mawawala na lang pa parang bula sa mawawala na nagpaalam kapag ayaw mong mawala s’ya sa’yo ulit. Hindi rin n’ya ako natiis na iwan ulit siguro kaya nagbukas s’ya ng phone. Basta ang importante sa amin, lalo sa akin, questions were answers. Blurry lines were cleared. Proven na mali talaga ang mga akala. Bumalik, umikot, full circle.

One has waited for years, won’t you wait for probably a few more days or weeks or years? Ewan ko. Gaga nga siguro talaga ako pero ito ‘yun e. Waiting won’t be of a waste. No doors closed. Dignified pa rin ako. Haba pa nga nang hair ko kasi may mga bagay na lumabas kagabi na nakalimutan ko na at mga salitang even in my dreams never thought I’d be hearing. Sorry, hindi “I love you”… we both have respect on those sacred words lalo na kung hindi handa ‘yung magsasabi or makakarinig.

Lesson ko dito: we are reminded. We have rules, written and unwritten. We know what to do and yet may weight pa rin kung tama ba o mali sa’yo at sa situation. Pero at the end, you’ll decide. Make a choice. Follow the rules. Follow what is said or written pero IKAW pa rin ang makapagsasabi. I took the RISK. Expected the worst (although I was caught off guard) and hoped for the best. It ended not perfect but better. We’re both in a better disposition. Smiling.

May continuation pa ba ito? Meron naman. Sana. Walang anuman na di maayos nang hindi napag-uusapan. Again, expect the worst but still hope for the best.

😉

 

Tags: , , , , , , , , , ,

Tagalog Naman Tayo…

Lunes na naman bukas. Ibig sabihin luluwas na naman ako ng Manila. Pag luluwas ako, ibig sabihin nu’n maaga na naman kasi tanghaliin ka lang ng konti o abutan ng rush hour – patay! Pahirapan sa pagsakay. Para kang sardinas sa latang di pa nabubuksan. 

Alam ko na naman ang scenario kada Lunes. Kaya madalas Linggo palang ng hapon on gabi lumuluwas na ako. Hindi naman ‘yung ang reklamo ko.

Luluwas ako kasi magtatrabaho na naman ulit.

Hindi naman sa ayaw ko ‘yung trabaho ko. Well, ako ayos naman. Hindi nga lang pa rin maintindihan ng karamihan ‘yung ginagawa ko. Para kasi sa “karamihan” pag nagtatrabaho ka dapat 8am-5pm, nakaapustura at yumayaman. 9am to 6pm naman kami kaso minsan extended pati weekends, no OT pay. Dati ok lang sa akin, ngayon…. Hmmm… sabihin na lang natin na pagod na ako at sawa na sa pagiging mabait… or rather, tawag ng “karamihan” sa amin – TANGA.

Simple lang naman e. Gusto ko ‘yung ginagawa ko. Well, basta naman gusto mo madaling simulan, gawin o ituloy.

Basta kung gusto mo.

Kaso lately, nakakawala ng gana. Sawa na ba ako? I don’t think so naman. Sabi baka daw kasi parang pagkain ‘yung scenario, puro pansit bihon na lang. What if mag-miki naman daw ako o canton. Hellow?!? Pansit pa rin! Ewan!

After 3 (official) years, makakapagbakasyon na ang grupo. Kung tutuusin, 5 taon na pala mula ng sinimulan ng boss mula pa nung soloista pa s’ya. Masasara ang tindahan ng 2 araw, pero 4 na araw kaming mapapahinga dahil pati Sabado at Linggo magkakasama kami.

Bakasyon.

Pahinga.

Walang trabaho.

DAPAT.

Sana naman nga. Bakasyon kami. WALANG MANG-IISTORBO. UTANG NA LOOB.

Excited ako usually kapag ganitong out of town, lalo pa kung grupo at talagang bibiyahe at bagong lugar pupuntahan ko. Pero sa totoo lang, hindi ako excited. Kasi kapag nangyari na naman ang naiisip ko, tama na naman ako s’yempre. Pero BAKA magwala na ako this time. So may God, mapa-kung anumang relihiyon ‘yun, forbid na mag-flare up ako at masagad-sagad na.

May sumira na kasi ng birthday celebration ko dati. Napatawad ko na ba? Ewan ko. Pero kung sa pagkalimot, obviously, hindi ko makali-kalimutan. Elephant ako e: may forgive but will never forget. Sa’n kaya nagsimula ‘yung quote na ‘yun? Swak na swak e.

‘Yun lang. Nakakatamad. Hihilahin ko na naman ang sarili ko sa pagbangon bukas ng umaga.

Haaay…

Pero sabi nga nila, pessimistic attitude ko strikes again…

 

*magdarasal*

Lord,

Alam ko po na hindi naman ako perpektong tao. May ino-okray din ako kahit ‘di naman ako kagandahan. Nagmumura at malamang makakapatay din ng tao (sooner or later). Kung may mag ibang tao ayaw magkamali, parang this time I pray na sana mali ang inaasahan kong magyayari sa bakasyon naming darating. Sana mag-enjoy naman kami at walang mang-istorbo. Respeto po ang hiling namin. Na hindi naman naibibigay sa araw-araw na humihinga po kami. Pero kahit po sa “bakasyon” namin meron. Kasi ibig pong sabihin may pag-asa pa ‘di ba? *kindat*

Sana po ipagkaloob n’yo itong munting kahilingan ko. Mas madali po ito ah, kesa sa mga dating kong dasal na sana ma-in love sa akin si *toot* o magka-BF na ako. ‘Di lang naman po ako ang masisiyahan kundi pati ang mga kagrupo ko at mga inaanak at pamilya ng boss-friend ko. Kahit po alam kong pag-uwi namin at pagbabalik sa Manila, ratratan na naman po at balik sa realidad.

‘Yun lang po. Marami pong salamat, Lord.

Amen.

 

 
Leave a comment

Posted by on July 13, 2008 in Rants, Tagalog Naman

 

Tags: , , , ,

Isang Malaking —–

Fill in the blanks na lang.

Pinakakakaiba ang araw na ito sa mga nakaraang linggo at mga araw ng buhay ko. Maraming kababawang nakapagpaligaya sa akin, tulad na lang ng peanut butter spread na Ludy’s na nilalantakan ko mula pa nung Lunes. ‘Wag n’yong la-lang-langin ang Ludy’s, nostalgic ‘yun ah. Isa ‘yan sa mga pioneers ng peanut butter industry dito sa Pilipinas bago pa me Lady’s Choice at kung anu-ano pang brands.

Masaya ako dapat. Well, masaya naman ako, partially. Tulad ng pagkakasabi ko kanina, maligaya na ako lately sa ilang daily dose ng peanut butter at eto nga, isang project na isang malaking tinik na talaga na nakabaon sa lalamunan namin ang sa wakas, FINALLY final artwork na! Yahoo! Gusto kong tumambling, buti na lang di ako marunong kundi baka nabaliaan na ako ng buto. Hanggang cheer at high-five na lang ang nagawa namin ni Rio, ang aming accounts manager. I can finally say, I can move on na…

I hope nasasabi ko rin ‘yan at naa-apply sa ibang aspect ko sa buhay. Siguro ngayon, matapos ang isang napakagandang pangyayari kanina. Sarcastic na ako ngayon ah….

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko at sa isang taong naku! Ewan ko ba… Ang laki-laki kong tanga talaga. Bakit ganu’n, ikaw ng concern, ikaw na mamatay-matay sa worry o pag-aalala sa huli parang ako pang masama? Hmmm… mali eh. Maling-mali.

Tanga ko kasi… gaga pa. May bagong definition ako ng katangahan actually. Sabi ko kay Gou, at ilang pang friends na di ko na maalala kung sinu-sino sila na kapag alam mong gaga ka na sa isang tao o bagay o sitwasyon pero sige ka pa rin, tuloy pa rin ang kagagahan mo, tanga ka na talaga. Well, eto pa, binibasa n’yo na ang isang blog entry ng isang babaeng tanga.

Defend-defend ko pa s’ya sa ibang tao, sa sarili ko at I try to understand ba’t ganu’n and all that. Tampulan na ako ng tukso ng grupo pero sige, take ko lang. Kung ikakasiya ng karamihan na pagmukhain pa akong lalong tanga at katawa-tawa da’l pa rin sa kanya, go lang. Masaya sila e. Tapos ngayon eto… ako pang masama da’l di daw ako nagtanong.

Kasalanan ko pa ngayon… labo mehn!

Nasabi ko pa dati sa awa at pagkakaalam kong hindi n’ya deserve ang mga nangyayari at ginagawa sa kanya, na kung maha-hug ko lang s’ya in the hopes that that hug will take all his sorrows and pain away gagawin ko talaga. Pero ano? Ngayon, ‘tang ina, kung mababatukan ko lang s’ya at sarili ko… Nakakainis.

Kung kaya ko nga lang ihampas talaga sa pader ‘yung ulo ko para matauhan na ako, magising sa katotohanan at kung makakatulong nga talaga ‘yun kaso ‘di ko kayang gawin, masakit na, ‘di pa garantisado kung effective. Nakakaasar. Hindi s’ya madali, akala n’yo ba? Pero aminado naman ako e…

… ang tanga-tanga ko talaga!

‘Tang ina… buti pa kumain na lang ako ng sandwich na may makapal na palaman ng peanut butter mas matutuwa pa ako. Kahit sandamakmak na langis ‘yun at cholesterol at least pagkaubos ko ng sandwich, me sisimutin pa akong tumulong palaman sa mga daliri ko.

Satisfied and accomplished.

Tama. Gagawa na lang ako ng peanut butter sandwich, ‘yung makapal ang palaman na halos tumulo na sa bawat kagat na gagawin ko, mas may katuturan pa at may mapapala pa ako.

 
Leave a comment

Posted by on May 21, 2008 in Rants, Tagalog Naman

 

Tags: , ,

Sa Halagang One Hundred Pesos…

This might have been my daring entry ever about me… doing this in the event of helping myself to move on…

––––––––––––

Ngayong gabi na talaga (actually, umaga na) ang pinaka-sign sa mga signs na hinihingi ko. Sobrang denial na talaga ako at madami ng signs in different angles at excuses ang pinalipas ko. Hopeful kasi ako. Wala na kong lusot. Ngayong gabi (umaga na nga!) dapat tapusin ko nang kabaliwan, katangahan at kagagahan ko sa buhay….

Hindi lang batok o sampla ang inabot ko noon. Pero sige, bira pa rin ako. Umasa ang gaga. Nangudngod na ako. Sinubsob na nga yata ang mukha ko sa kahihiyan, deny pa rin ako. Masarap kasing kiligin at mangarap ng gising. ‘Yung napapangiti ka lang out of the blue kahit mukha kang tanga. Pero ngayong gabi (umaga na nga, kahit wala pang araw) may audience ang katangahan ko. Sobra-sobrang sign na talaga…

… na hindi n’ya ako gusto.
… na hindi ako ang ideal girl n’ya siguro.
… na hindi na dapat ibalik ‘yung aspiration ko sa kanya.
… na hindi ko makikita sa kanya ‘yung signs na hinahanap kong magiging indicator na may chance.

Sa halagang P100.00, natauhan ako. Sa simpleng pusta, eto ako ngayon nagsusulat at isisiwalat LAHAT ng tinago ko. Sa tawa at joke na akala ng lahat eh joke at ‘yun lang, may laman pala. Totoo na all jokes are half meant.

Binigay ko nga ng buo… walang binalik sa akin kahit konti… walang sukli, walang natira. Abunado pa ako!

Hindi ko naman binibilang noon. ‘Di pinapansin na halos wala na nga pala akong itira sa sarili ko. Sa bawat chance na nakikita ko s’ya wala akong masabi. Ako na kay daldal at ‘di nauubusan ng sasabihin at ikukwento. Tumitiklop ako sa kanya. Sa mga pagkakataong nakikita kong hirap s’ya o malaman ko lang na pinagkakaisa s’ya, wala akong magawa o maipayo man lang. Gusto ko lang s’yang yakapin in the hopes na matatangal kong lahat ng hirap at pagod n’ya. Pero hanggang doon lang ako. Sa isip ko lang ‘yun. Minsan dinadaan ko sa biruan between friends. Pero sa totoo, kung sa hug ko mawawala lahat ng hirap n’ya, gagawin ko talaga…

Ang baduy ‘noh o nakakatawa, pero seryoso…

(Thought balloon: ‘Lika rito… hug kita…)

Sobra ko siguro s’yang itinaas, tinigala at hinagaan. Sobra-sobra ko s’yang inalala na willing akong ibigay kahit hindi naman n’ya hinihingi. Sobra ko s’yang pinahalagahan. Affected ako palagi sa bawat nangyayari sa kanya kahit nasasaktan naman ako kapag ‘di siya sumasagot. Hindi ako pinapansin. Pakiramdam ko naiiwan ako sa ere.

Sobra nga. Sobra-sobra.

Hindi ko akalain P100.00 lang pala ang kaapat n’ya para matauhan ako.
Sa halagang ’yon mapapasimple ang guidelines ko ng mga lalaking ihahanap daw sa akin ng mga concern kong friends
… lahat ng kabaligtaran n’ya…
… lahat ng hindi s’ya (PERIOD)

Sasagutin ko na dito ang tanong na paulit-ulit lumalabas kapag binibiro nila s’ya sa akin… na kung mahal ko ba? Siguro nga… sobra-sobra pa yata na I let myself na magmukhang tanga. Tinuloy ko pa rin kahit alam kong masasaktan lang ako. Kaya hindi talaga tama.

Pwede nga pala ‘yun… na mamahalin mo pa rin kahit alam mong di naman n’ya ibabalik sa’yo.

Pero ngayong gabi, DAPAT matapos na…

Salamat kay dating presidente Manuel L. Roxas.

 
4 Comments

Posted by on April 17, 2008 in Realizations, Tagalog Naman

 

Tags: , , , , , , ,

Away Time… Layo Muna…

Ratratan… gulatan… magic-kan…

‘Yun ang tawag ko sa mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.  Pakiramdam ko talo ako. Pagod kada tapos ng araw. Well, I guess ganu’n talaga ang buhay…

Basta alam ko, bukas, aalis kami ng nanay ko kasama ang ilang mga kaibigan n’ya. Mahigit isang dekada na akong ‘di napupunta du’n. Basta malayo lang sa gulo at lumamig ang ulo… game na!

Bukas, lalarga kami. Pero ngayon, kailangan ko munang maisip pa’no ako makakauwi. Me rally na naman…

I’ll see you tomorrow morning, Mr. Lion Head!

 
Leave a comment

Posted by on February 29, 2008 in Tagalog Naman

 

Tags: , ,