Alam n’yo, may mga bagay nga talagang nakakakilig, makapanindig-balahibo o sadyang talagang kadiri or yung medyo exaggerated na expression, nakangingilabot.
Well, eto naman, siguro intensyon n’yang magpakilig, magpa-cute o magpatawa. Kaso neither of the 3 ang nakamit n’ya. Isang brief historical backgrounder lang… (musical intro plays…)
Dear Ate ______ o Kuya ______ (fill in your name),
Pers time ko pong sumulat at maglatha ng aking saloobin sa ganitong pagkakataon. Ako po’y isang hamak na binibini na nalalapit ng mag-menopause po yata. Pero kahit po ganu’n ang itinakda ng kapalaran, maluwag sa loob ko naman po itong tinatanggap. (Sinungaling!)
Wala naman po akong maihahayag na problema o hinaing. Sadyang tinanggap ko na nga po siguro ang tadhana ko. Ako po’y sumulat para maglahad ng aking karanasan at maibahagi po sa inyo at kung kanino pa man.
Ako po’y minsang humanga sa isang di naman ganu’ng kagwapuhang lalake. Ako man po’y nagtataka ba’t siya pa dahil ang standards at pinangarap ko po ay mala-Collin Farrel naman o kaya ay Orlando Bloom man lang. (Hindi masamang mangarap, libre nga ‘yun di ba?) Siguro po’y dahil sa napalapit ang aking kalooban sa kanya. At kakaibang takbo ng utak (lalo na kapag nasaniban na ni San Miguel). Paghanga ang tawag ko ngayon dahil hindi ko pa rin batid kung minahal ko nga siya dahil sa mga susunod kong ipapahayag.
Sa paniniwalang matagal na akong nagtitiis sa pagtatago ng aking damdamin sa kanya, minabuti ko pong sabihin sa kanya na “I do like him”. Aktuali po, sabi ko “kinda” at di pa personal. Nagbukas po kasing muli ang pinto ng pagkakataon na magtapat sa kanya. Nakipagsapalaran po ako sa ginawa kong iyon. Maaaring magkailangan po kami, umiwas siya at mauwi sa wala ang aming pagkakaibigan o pagtawanan ako at maging tanga. Pakiramdam ko nga eh natawa siya nung nagtapat ako sa YM.
Makalipas na ilang linggo, karamihan sa aking mga kaibigan ang nagsabing ang tapang daw ng aking ginawa. Hindi ako umasang madadala ang aming samahan sa “next level”. Bonus na iyon at ikakalaglag panty ko malamang pero para sa akin, kalayaan ko at katahimikan ay sapat na. Sa awa naman po ni Lord Jesus ay nakamit ko naman ang simpleng hangad ko. Hanggang sa…
Kumindat po siya sa akin… ulit… kanina…
Hindi ako pwedeng magkamali…
Walang linggo na hindi kami magkikita, makaka-text o makaka-YM. Kahit pa nagtapat ako sa kanya. Dapat normal lang ang takbo ng samahan. May meetings na nagkakasalubong kami. Mahirap maiwasan ‘yun. Ako ‘yung naiilang, madalas, pero kailangan kong panindigan. Ngiti lang o simpleng “Musta?” ang sukli ko sa bawat pagbati n’ya. Pero siya… eto na… in denial ako ilang linggo na dahil sa pag-iisip ko na baka namamalik-mata lang ako pero sa pagkakataon kanina, hindi na ako mapalagay.
Kumindat talaga siya…
Ok. Dapat kinikilig ako. O ang tanong, dapat ba akong kiligin? Hindi ko mawari ba’t hindi iyon ang naramdaman ko at sa halip ay pinandirihan ko ang nakita kong iyon. Pagpapatunay nga na nung mga nakaraang linggo, hindi ako namamalik-mata.
Bakit ako nandidiri? Kasi:
1.) Sa panahon ngayon, parang hindi yata angkop ang ganoong aksyon. Kindat? Ano ka, napuwing?
2.) Base sa edad, parang alanganing gawain ng lalaking ‘yun sa kanyang edad at estado ngayon. Sabi nga ng isang kaibigan ko pang lalake, pang-DOM (dirty old man) moves iyon… ang sagot ko po naman sa tonong burgis o coño, “it’s so outdated, you know!”
3.) Hindi ko inaasahan na gagawin n’ya iyon! Ang taas ng respeto ko sa kanya. Kung itinaas ko man siya at iginawa ng pedestal, ngayon, tinibag ko na ‘yun! Patawa man, pa-cute o ego-tripping… naman… utang na loob ah!
Hihiramin ko lang muna po ang ekspresyon ni Bb. Ruffa Gutierrez…
EIW!
Sa ikatlong pagkakataon, ako’y nahihirapang itatwa ang pagkindat n’ya. Hindi ko ito mabura sa aking isipan. Mabuti sana kung kinikilig ako pero sa totoo lang po, kadiri talaga tuwing naaalala ko iyon…
AGH!
YUCK…
YUUUUUCCCCKKK talagaaaah!!!
‘Yun lang po ang nais kong ipahayag.
Patuloy na nangingilabot (at nandidiri),
Nemcita